1. Medyo kabado....
Baka mag karoon ng konting pagbabago sa work... panibagong pag-aaral at adjustment.
2. Hindi makapaghintay sa tuwa....
Isang napakahalagang tao na naging bahagi ng buhay ko ang malapit ko na uling makita...
Masarap sa pakiramdam na malaman mong may mga bagay na hindi nagbabago at magbabago sa kabila ng tagal na hindi pagkikita, layo ng inyong mga lugar, kaabalahan sa kani-kaniyang buhay at paminsan-minsang tampuhan... Pagkakaibigan magpakailanman.
3. Naaaliw sa pagbabalik tanaw....
Isang kaibigan sa MV ang nanghula sa akin, sabi nia patuloy pa rin daw akong naghihintay at umaasa sa isang batang kapareha "childhood sweetheart" ata yun hehehe.... Hindi ko masyadong sineryoso, pero tama cia... hehehe
Buwan ng Mayo taong 1992 ng una silang lumipat sa dating lugar na aming tinitirahan, mag-ikaka-anim na baitang na kami sa elemetarya nun, naging barkada siya ng ate ko, sabay silang nag-aral ng gitara at kung anu-ano pa... nung una ko pa lang siyang nakita gusto ko na cia... Marami na kaming pinagsamahan pero sa sa tuwing magkatabi kami katahimikan ang nasa pagitan namin kung mag-usap man kami at bibilangin ang salaitang lumabas sa aming mga labi ay hindi mo pa mauubos ang mga daliri mo sa isang kamay... Nung mag-aral na kami sa isang mataas na paaralan sa Marikina may pagkakataong sabay kaming umuwi, ganun pa rin ang nangyayari pinagsasaluhan namin ang katahimikan. naging masaya ako ng ika-apat ng taon na namin sa sekondarya kasi sabay kaming dalawa manonood ng EVITA sa Sta. Lucia bilang bahagi ng proyekto sa kasaysayan, 1st date ko sana yun kaso hindi siya natuloy makasama kaya ako lang mag-isa nanood... huhuhu... Kolehiyo, hindi cia nag-aral nun dahil lilipat na sila ng lugar pero hindi naman agad sila nakalipat dahil dalawang taon pa ang lumipas ng lisanin nila ang aming lugar, September 1998 pagkagaling sa school nakita ko naglilipat na sila, gusto ko sana siyang makausap kahit sandali lang kaso nauna na pala silang lumipat sa Cavite at isinusunod nalang ang kanilang mga gamit

, sabi ko pa nga sa sarili ko nung mga panahong yun hahanapin kita pagka-graduate ko.. taong 2003, sumama pa akong magbakasyon ng ilang araw sa Cavite nang ako ay maimbitahan ng pamilya ng isa kong mag-aaral kasama ang ilan ko pang estudyante, sumama ako sa pag-asang malay mo muling magkasalubong ang aming mga landas kaso alng nangyari... Nitong nakaraang Feb. 10, 2009 sa Starbucks nang ako ay hulaan... Sapul ako dito, hehehehe... galing naman nung manghuhula... Kapag naaalala ko siya, kabisado ko parin bawat linya ng mukha niya at nararamdaman ko pa rin ang parehong saya sa pakiramdan na parang nandito pa rin siya sa tabi-tabi...
Yun lang po, Pahula na rin kayo... sa MIS "Manghuhula I.T.o. Sigurado"