hahahaha!

Ok yan Good for you....
Ako naman kaya hindi tumuturing ng Best sa mga frens ko kasi wala naman talaga, kahit Best fren pa ang turing nila sa me hehehe (sama noh?)... mga Totoong kaibigan marami.. at ako sa kanila..
hmm... minsan kapag ang mga kaibigan nasa komplikadong sitwasyon tulad ng lovelife etc, hindi ko sila tinitignan bilang individual kundi ang sitwasyon.
Anytime na kailangan ako ng kaibigan pupunta ako kahit saan kahit wat time.... maliban nalang kung may mga bagay silang dapat matutunan mag-isa.
Bakit me ganito, dahil sa ang karamihan kong kaibigan;
1. kontrabida sa buhay ko kapag may ginawa o iniisip akong kalokohan puro sermon hahaha pero na-appreaciate ko yung totoong concern;
2. Kahit hindi kami madalas magkita o magkasama secured ako na Kahit saan, kahit kailan at sa kahit anung sitwasyon pwedeng silang istorbohin hehehe;
3. over reacting, may mabalitaan lang na may nang-away sa me susugod agad at parang sila pa ang nasaktan, ako pa dedepensa o magpapaliwanag mabuting side ng kawawang nilalang na umapi (kuno) sa me.
4. Hindi nagbibilang o nagkukwenta ng mga bagay na ibinigay, kung sino meron silang bahala... hehehe
5. Nagdiriwang sa tagumpay o ups ko...
6. Nagbibigay ng comfort kapag down ako... ramdam nila kahit hindi ko ipinahahalata..
7. Sinasabi at ipinapakita nila ang pagmamahal, pagpapahalaga, paniniwala at pag-aalala..
8. Kapag may mali me nagawa sa kanila, hindi sila nagkukunwaring ok lang, sasabihin nila yun straight from the guts - lulusot me kunwari pero matatawa rin hehehe.
sa isang kaibigan anu yung hindi ko inaasahan,
1. hindi ako nag-eexpect ng anu mang kapalit sa mga ibinibigay ko maging ito man ay materyal, oras, emosyon at kung anu pa man dahil iyon ang itinuro ng karamihan nila sa akin... kung anu man yung ibinigay nila sa me hindi sila naghahangad ng kapalit;
2. perpektong pagkakaibigan kasi wala naman nun isa pa "true friendship is never serene".
3. Espesyal na attention 9dahil hindi naman ako special child hehe).
4. Yung maramdaman nila na totoo akong kaibigan, minsan kasi nakadepende yan sa pakiramdam (asahan mo na may ibang tao na hindi ka nila "FEEL" o "TRIP" nyahehehe)
ano ang natutunan ko sa pagkakaibigan;
1. wala sa dalas ng pagsasama (ie. gimik, gala, iyakan, seryosong usapan, etc.) at wala rin sa tagal ang sukatan ng tunay na pagkakaibigan nasa tindi yan ng pagmamahal, pang-unawa, pagtitiwala, paniniwala at respeto sa isa't-isa..
2. Hindi lang dapat ang iniisip mo at nararamdaman ang mahalaga (makasarili ba) dapat ang laging nakasalalay yung sa inyong lahat.
3. Pwede kang maging kaibigan para sa lahat pero hindi lahat pwede kang ituring na kaibigan.
4. Iba-iba ang pagpapakita ng pagkakaibigan. Hindi lahat ng close sau tunay na kaibigan... Hindi lahat ng kaibigan na malayo sa'yo ay hindi maasahan...
5. Maging masaya ka para sa isang kaibigan na masaya sa iba pa niyang kaibigan.
Ang Kaibigan ay Kaibigan kahit gaano pa yan kasama tao rin yan nyahahaha!
haba na... tama na hehehe
ang lupeeeeet ng ma-cooleeeeet!
wag seryosohin nakamamatay!