|
Garren
|
 |
« Reply #30 on: March 09, 2009, 08:46:57 PM » |
|
hmmm...
1. Bilang lang sa mga daliri ko sa isang kamay yung mga kaibigan kong kapag nagyayaya, Go agad walang second thought... kahit may kasama na akong iba go! kahit san pa yan overnite o hindi...
2. Karaniwan sa magkakaibigan ay yung may pagkakapareho ng kaisipan. Kapag ako ay tumanggi eh base na yun sa mga sumusunod na dahilan.. a) interes (hobbies, likes etc.), hirap kapag hindi ka maka-relate, hindi lang ikaw ang hindi magiging uncomfortable lalo na yung mga kasama mo, nakakahiya hehehe... pero cyempre dapat may time ka parin sa kanila. b) prayoridad, baka may mas importante akong kailangan gawin at dapat unahin c) pinansyal, sa estado ko sa buhay na may mga mahahalagang taong isina-alang-alang ay kailangang makatarungan ang paggastos hehehe (kailangan magsideline).
Kapag may problema mas lalong gusto kong mag-isa, ini-enjoy ko yung pakiramdam.. pag-kailangan ko nang mag-isip, dun lang ako nanghihingi ng opinyon (optional) pagkatapos dapat alam mo na ang gagawin.
Kapag naiinip, mas masayang mag-isa, tumambay sa park o playground, makinig ng mga kanta, makipagkwentuhan sa kaibigan at iba pang makaluma at nakasanayan ng paraan.
Pero cyempre kapag kaibigan.. kaibigan... dapat laging nakaantabay sa kanila kahit anong oras kahit kailan kung kinakailangan.
|