If you love someone.... kapamilya man, kaibigan o kai-bigan....
Sabihin mo ang gusto mong sabihin sa kanya..
Gawin mo ang mga bagay na gusto mong gawin para sa kanya..
Ipadama mo ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya...
Huwag kang mag aksaya ng ORAS...
sa galit, inis, pagkakaiba, di pagkakaunawaan at kung anu-ano pang kaletsehan...
Hindi mahalaga ang pride at ego mo, ang mahalaga ang KALIGAYAHAN mo.
Ano bang gusto mo ang maging MASAYA o ang manalo sa pakikipagmatigasan?
Mas mabuting sinabi mo ang lahat at ginawa mo ang lahat para sa taong mahal mo.... kahit hindi man niya ito MASUKLIAN ng pagmamahal at pagpapahalaga.....
Ang mahalaga, walang kang pagsisisihang sa huli na hindi mo nagawa at nasabi...
Hindi mo sasabihing, "Sana nasabi ko sa kanya, sana naipadama ko na mahalaga siya..."
at sana huwag na ring umabot sa puntong, kahit gusto mong lapitan ang taong minahal mo at ipakitang pinahalagahan mo siya.... eh, hindi mo na magawa kasiwala ka nang maramdaman para sa kanya
